Talamak na prostitusyon sa POGO industry, inilantad sa pag-dinig ng Senado

Inilantad ni Senator Risa Hontiveros sa pagdinig ang sex traficking o bentahan ng mga babae sa mga Chinese nationals na pinaniniwalaang nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ang mga biktima ay filipina, mga chinese national at iba pang dayuhan at ang pagbebenta sa kanila ay idinadaan sa online o internet.

Sa hearing ay iniharap pa ni Hontiveros ang isang kinse anyos na si alyas Carina na isa sa 9 na mga babaeng na-recruit ng mag asawang chinese at pilipina sa Makati para maging masahista pero ibinenta umano bilang prostitue sa mga mga foreigner na karamihan ay Chinese.


Kwento ni Carina, dinadala sila sa isang hotel o condo at binabayaran ng tatlo hanggang pitong libong piso pero ang kalahati ay napupunta sa chinese.

Sa pagdinig ay ipinakita rin ni Hontiveros ang mga chat group sa mga app na Wee Chat at Telegram kung saan ibinebenta ang mga babae na may code name na “NEW TEA” o “NEW CAR.”

Nasa chinese characters ang usapan sa group chat at lumalabas sa english translation na may menu kung saan nakasaad ang nationality ng mga ibinebentang babae, magkano ang bayad at ano ang serbisyong kanilang ibibigay.

Mayroon pang tinatawag na fastfood o 40 minutes na kombinasyon ng mga serbisyo kung saan may mapagpipiliang package ang costumers ng mga babae.

Diin ni Hontiveros, hindi natin dapat hayaan na gawin tayong pugad ng prostitusyon ng mga chinese sa sarili nating bansa.

Facebook Comments