Talamak na recruitment ng NPA sa mga minors, problema pa rin

Pangunahing hamon pa rin sa administrasyong Duterte ang palasak na recruitment ng menor de edad ng CPP-NPA.

Sa ginanap na media forum sa Quezon City, sinabi ni AFP Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations Brig. General Antonio Parlade  Jr.,  na isa sa mga dahilan aniya ay ang matagumpay na propaganda machinery ng mga leftist groups kaya nahihikayat ang mga kabataan na may edad mula 11 hanggang 12 taong gulang na sumama sa rebeldeng kilusan.

Mabilis na nagagawa ito dahil bukod sa pagiging organisado ay suportado pa ng ilang foreign countries  na nagbibigay ng malaking pondo.


Aniya, malaki din ang impluwensya ni Kabataan Partylist Sarah Jane Elago dahil nakakakuha ng suporta mula sa mga kabataan sa mga eskwelahan at iba pang school organization.

Hindi rin aniya maaaring habulin o galawin dahil isa umano siyang  elected official.

Gayunman  may mga progama at plano na ang pamahalaan para ganap na matuldukan ang matagal nang insurgency problem sa bansa.

Sa ngayon aniya marami pang bilang ng rebeldeng NPA ang nagbabalik-loob sa pamahalaan.

May 11,000 hanggang 12,000 rebel returness ang pinoproseso ng pamahalaan para makapag-avail sa E-Clip Program at mamuhay na  ng normal.

Facebook Comments