TALAMAK NA SCAM SA LUNGSOD NG TUGUEGARAO, PINANGALANAN NA

CAUAYAN CITY – Inilabas na ng Pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao ang pangalan ng kilalang scammer umano sa lungsod.

Kinumpirma ng Security and Exchange Commission na base sa kanilang talaan, lumalabas na may walumpong grupo o indidibidwal sa buong bansa ang nag-aalok ng investment scam kung saan kabilang na nga dito ang paluwagan na “Benta Sahod Slot” by Cezsian Perez/Queences Lungalog Perez sa Tuguegarao City.

Ayon sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office, ang nabanggit na pangalan ay ang nasa likod umano ng malawakang pang-iiscam sa lungsod kung saan nag-aalok ang mga ito ng investment at pangakong babalik ang pera ng doble o triple ang halaga.


Inihayag naman ng Police Regional Office 02 na nakatanggap na sila ng daan-daang reklamo kaugnay sa paluwagan scam na ito kung kaya’t maituturing na umano ito bilang ponzi scheme at large scale scam.

Hinihikayat naman ng SEC ang iba pang biktima na lumitaw upang magbigay ng statement para na rin sa gagawing legal na hakbang ng LGU.

Facebook Comments