Talamak na smuggling ng produktong agrikultural sa bansa, pinasisiyasat sa Blue Ribbon Committee

Pinapaimbestigahan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Blue Ribbon Committee ang talamak na smuggling ng mga produktong agrikultural sa bansa.

Sa Senate Resolution no. 477 na inihain ni Pimentel, pinasisilip dito ang posibilidad ng iregularidad at kapabayaan sa panig ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) dahilan kaya patuloy pa rin ang smuggling ng mga pagkain at ani sa bansa.

Sa ikakasang imbestigasyon ay hihingi ng update ang Senado partikular sa naungkat noong nakaraang Kongreso na mayroong 22 “persons of interest” sa malawakang agricultural smuggling at may 31 nakabinbin na smuggling cases.


Puna ni Pimentel na hanggang sa kasalukuyan kasi ay wala pa ring smuggler ang nakukulong o napaparusahan sa iligal na pagpupuslit ng mga agri-product sa bansa.

Punto pa ng senador na kailangang aksyunan na ito dahil bukod sa nawawalan ng kita ang gobyerno at maraming magsasaka ang nalulugi ay banta na rin ito sa kalusugan ng publiko.

Facebook Comments