Kung ang singer-comedienne na si Ethel Booba ay halos isang taon ang delay sa bayad sa kanyang talent fee, ibinunyag naman ng Korean model-actress na si Jinri Park na apat na taon na siyang naniningil para sa appearance niya sa isang event noong 2015.
Sa isang Tweet, sinabi ni Jinri na isang event coordinator ang hindi pa nagbabayad sa kanya, apat na taon na ang nakalipas.
Bukod dito, ayon kay Jinri, may ilang malalaking kumpanya rin ang inabot na raw ng tatlong taon pero hanggang ngayon hindi pa rin binabayaran ang kanyang talent fee.
Ito ang naging reaksiyon ni Jinri sa Tweet ni Ethel Booba nitong linggo, tungkol sa hindi pa nababayarang guestings ng comedienne sa dalawang TV shows ng Kapamilya Network.
Nagpahayag naman ng pagkagulat ang Twitter followers ni Jinri kung bakit maraming celebrities ang nade-delay ang pagtanggap ng talent fee.