
Ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 ang pag-aresto sa talent manager at host na si Cristy Fermin at kanyang co-hosts na sina Rommel Villamor at Wendell Alvarez .
Nag-ugat ito sa kasong libel na naisampa laban sa mga akusado ng actress na si Bea Alonzo noong 2024.
Ang kautusan ay naipalabas ni QC RTC Presiding Judge Cherry Chiara Hernando makaraang makakita ng probable cause laban sa mga akusado.
Itinakda naman ni Judge Hernando na makapagpiyansa ng tig-₱48,000 ang tatlo para sa pansamantalang kalayaan.
Noong may 2024 ay nagsampa ng kasong libel si Alonzo laban kina Fermin makaraang ihayag na biktima siya ng maling paratang, malisyoso at nakakasirang mga impormasyon sa pahayag ng host sa kanyang online show.
Magugunita, si Alonzo ay katatapos lamang noon ng hindi pagtuloy ng kanyang kasal sa actor na si Dominic Roque na naikuwento naman ni Fermin sa kanyang online programs.
Dito ay nasabi rin ni Fermin ang umanoy pagkabigo ni Alonzo na mag-file ng kanyang buwis at ang labor case na umano’y dapat naisampa dito ng kanyang driver.
Binigyang diin ng Kampo ni Alonzo na karapatan ng aktres na maipaglaban ang kanyang karapatan kaya’t naisampa ang kaso.









