TALENTED | 3-anyos na batang babae, nagawang mag-archery sa loob ng tatlo’t kalahating oras

China – Isang tatlong taong gulang na batang babae ang hinahangaan ngayon dahil sa talento nito sa archery.

Hindi mo aakalain na ang batang si P Sanjana ay nagawang tumira ng mga arrow sa loob ng tatlo’t kalahating oras kung saan aabot sa 1,111 na palaso ang sunod-sunod na pinakawalan nito.

Bukod dito, nasa 26 feet din ang layo ng target at lahat ng arrow na tinira nito ay pumasok sa loob ng bawat circles.


Ayon sa batang si Sanjana, pangarap daw niyang makarating sa Olympics at ire-present ang kanilang bansa pagdating sa archery.

Umaasa naman ang mga magulang niya na papasok siya sa listahan ng Guiness World Record sa pinakamaraming arrow na itinira sa target sa edad na tatlong taong gulang.

Facebook Comments