TALENTED | Kilalanin si Pigcasso, ang baboy na pintor

South Africa – Pinagkakaguluhan ngayon ang newbie painter sa South Africa dahil sa angkin nitong talento.

Ito ay si Pigcasso – ang baboy na pintor!

Ayon sa rescuer ni Pigcasso na si Joanne Lefson, kakatayin na dapat si Pigcasso pero iniligtas nila ito mula sa death row.


Nang kupkupin ni Lefson si Pigcasso, binigyan niya ito ng mga pwedeng paglaruan.

At laking gulat ni Joanne dahil tila nakabuo si Pigcasso ng isang obra sa pamamagitan ng papel at paintbrush.

Mula noon aniya, hindi na pinansin ni Pigcasso ang iba pa niyang laruan at sa halip ay nagfocus lang ito sa mga paintbrush at papel.

Facebook Comments