TALENTED | Mag-iisang taong baby girl, humahataw na sa snowboarding

Amerika – Viral sa Youtube ang isang Idaho baby girl na mag-iisang taong gulang pa lang pero humahataw na agad sa snowboarding!
Dalawang araw bago ang birthday ni Cash Rowley nang gawin niya ang kanyang first-ever snowboarding experience sa Bogus Basin Mountain Resort.
Kwento ng mga magulang niyang sina Nick at Whitney – ilang linggo pa lang matapos ipanganak si Cash ay binilhan na nila ito ng pink and purple snowboard.
Hilig daw kasi nilang mag-asawa ang snowboarding at gusto nilang mamana ito ng kanilang anak.
Matapos matutunan ang snowboarding, plano raw nilang magpunta sa South America sa Pebrero para turuan namang mag-surfing si Cash.

Facebook Comments