TALENTED | TNT Boys, muli na namang napansin ng international icon

Matapos mapahanga ang English trio na Bee Gees, napukaw naman ngayon ng Tawag ng Tanghalan Kids na sina Francis Concepcion, Kiefer Sachez at Mackie Empuerto ang atensyon ng international icon rock band na ‘Queen’.

Ito ay makaraang i-release ng US Talent Show na Little Big Shots ang video clip ng performance ng tatlong bata kung saan inawit nila ang Somebody to Love ng Queen.

Napanood ni Brian May isa sa mga member ng Queen ang clip na ito, at agad na i-shinare sa facebook kung saan sinabi niya na nakakatuwang makita ang mga bata na ini-enjoy ang kanta ng Queen.


Facebook Comments