Tuesday, March 31, 2026

TALENTO NG MGA KABABAIHANG PWD SA PAGLULUTO, IBINIDA SA ALAMINOS CITY

Ibinida ang talento sa pagluluto ng mga kababaihang Persons with Disabilities (PWDs) sa Alaminos City sa isinagawang Culinary Talents: Strength of Women with Disabilities bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month.

Layunin ng programa na mapalakas ang kakayahan, kumpiyansa, at partisipasyon ng mga PWD, gayundin ang pagbibigay ng oportunidad upang maipakita ang kanilang talento sa larangan ng culinary arts.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office at Persons with Disabilities Affairs Office.

Dumalo bilang panauhing pandangal ang Face of Beauty International 2024, na nagbigay inspirasyon sa mga kalahok sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang mensahe.

Nagpaabot din ng suporta ang pamahalaang lungsod sa adbokasiya ng inklusibong pag-unlad at pagkilala sa kakayahan ng bawat isa, lalo na ng sektor ng mga kababaihang may kapansanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments