Ipinamalas ng mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan ang kanilang galing sa Parol Making Contest bilang bahagi ng Capitol Lighting 2025 noong gabi ng Disyembre 12.
Iba’t ibang disenyo ng parol ang ipinakita, na sumasalamin sa kultura, tradisyon, at diwa ng kapaskuhan ng kani-kanilang bayan.
Tinanghal na kampeon ang bayan ng Bani, habang ang Rosales at Bolinao ang First at Second Runner-up.
Nakamit naman ng LGU Bolinao ang People’s Choice Award matapos makuha ang pinakamaraming boto mula sa mga manonood.
Kasabay ng awarding ang opisyal na pagpapailaw sa mga Christmas lights sa Capitol, na nagmarka sa pormal na pagbubukas ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa lalawigan.
Facebook Comments







