Taliban, ipinagbawal na ang paglikas ng mga mamamayan

Ipinagbawal na ng grupong Taliban ang paglikas sa Afghanistan na kasalukuyang naiipit sa nangyayaring kaguluhan doon.

Ito ay matapos manindigan ni United States President Joe Biden na aalisin ang mga US troops sa Afghanistan.

Ayon sa tagapagsalita ng Taliban na si Zabiullah Mujahid, mananatili pa rin ang mga doktor at akademiko sa kanilang bansa para ituloy ang kanilang misyon dito.


Matatandaang hinarangan ng Taliban ang mga kalsada papuntang Kabul airport para hindi makaalis ang ilan sa kanilang mamamayan habang pinapahintulutan naman ang mga dayuhan na makalabas ng bansa.

Nabatid din ni Mujahid na mananatili pa ring bukas ang mga foreign embassy at aid agency sa Afghanistan.

Facebook Comments