Talisay, Batangas Vice Mayor, nanindigang tinatakot lamang ng Phivolcs ang publiko

186

Nanindigan si Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan na hindi siya naniniwala sa babala ng Phivolcs na mataas pa rin ang bantang magkakaroon ng malakas na pagsabog ang Bulkang Taal.

Ayon kay Natanauan – walang nakakaalam kung kailan sasabog ang bulkan.


Sinabi ng Bise Alkalde – malayo ang kasalukuyang sitwasyon kumpara sa malakas na pagsabog ng Bulkang Taal noong 1965.

Tingin niya, nagpakawala lamang ng steam o usok ang bulkan matapos ang 50-taon.

Aniya, tinatakot lamang ng Phivolcs ang publiko.

Maliban dito, tutol din si Natanauan sa ipinapatupad na total lockdown sa kanilang bayan at pagtanggal ng window hours.

Giit ng Bise Alkalde, dapat nang pabalikin ang mga residente.

Handa rin niyang harapin ang anumang kaso sakaling may mangyari sa kanyang mga kababayan.

Facebook Comments