Talitay LGU sa Maguindanao, isinuko ang 8 loose firearms sa militar na mula sa kanilang mga residente

Kusang loob na isinuko ng pamahalang lokal ng Talitay sa Maguindanao ang walong loose firearms sa militar.

Ayon kay Western Mindanao Command Acting Commander, Maj. Gen. Generoso Ponio sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa Talitay Detachment, Barangay Poblacion, Talitay ay pormal na isinuko ng mga local official ng Talitay ang mga baril kay Col. Pedro Balisi, Jr., Commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade.

Kabilang sa mga isinuko ang Garand rifles, isang Carbine rifle, isang Barrette, isang Shotgun, at isang M79 grenade launcher.


Nabatid na mula ito sa mga residente at ngayon ay nasa kustodiya na ng 2nd Mechanized Infantry Battalion para sa safekeeping.

Tiniyak naman ng militar na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga loose firearms lalo’t maaari itong magamit sa karahasan kaugnay sa nalalapit na halalan.

Facebook Comments