Thailand – Sa halip na mayamot, natawa na lang ang mga reporters sa Thailand matapos na tumangging magpa-interview sa kanila si Thailand Prime Minister Prayuth Chan-o-cha.
Bago kasi talikuran ang mga mamamahayag, isang life-sized cardboard cutout ng kanyang sarili ang inilabas ni PM Chan-o-cha.
Aniya, kung may tanong daw tungkol sa pulitika o anumang isyu, kausapin na lang nila ang naturang karton!
Katunayan, hindi raw ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa ito ng punong ministro sa media.
Noon nga ay may sound recordist daw siyang piningutan ng tenga sa isang impromptu news conference, binato ng balat ng saging ang mga cameraman at nagbabala pang ikukulong ang sinumang journalist na magki-criticize sa kanyang gobyerno bagay na hindi naman ikinatutuwa ng mga taga-Thailand.