“Talk to the Nation” ni Pangulong Duterte, ipapalabas ngayong umaga

Iniurong ngayong umaga ang dapat sanang “Talk to the Nation” ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ipapalabas ito mamayang alas-8 ng umaga.

Present sa pagpupulong ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte para magbigay ng huling update sa paglaban ng bansa sa COVID-19.


Matatandaang sa nakaraang Talk to the Nation ng pangulo nakaraang linggo ay tinalakay nito ang mga isyu sa pagbubukas ng gambling house sa Boracay, pagdepensa sa Manila Bay beautification project, pagkuwestiyon ng Commission on Audit (COA) sa ilang ahensiya ng gobyerno at iba pa.

Facebook Comments