“Talk to the Nation” ni Pangulong Duterte, ipapalabas ngayong umaga

Iniurong ngayong umaga ang dapat sanang “Talk to the Nation” ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ipapalabas ito mamayang alas-9 ng umaga.

Present sa pagpupulong ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte para magbigay ng huling update sa paglaban ng bansa sa COVID-19.


Ilan sa mga inaasahang tatalakayin ng pangulo ay ang; paglaban ng bansa sa COVID-19, lagay ng pagbabakuna, isyu sa umano’y overpriced na PPE at iba pa.

Facebook Comments