Talk to the People ni Pangulong Duterte, dalawang beses na sa isang linggo

Gagawin ng dalawang beses sa isang linggo ang Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte para ibalita sa publiko ang mga kaganapan at mga ginagawa ng gobyerno.

Ayon sa pangulo, sa ganitong paraan ay malalaman ng taong bayan kung saan ginagamit at napupunta ang pera sa ginagawang pagtugon sa problema sa COVID-19 pandemic.

Sabi pa ni Pangulong Duterte, mahalaga ring sagutin ng Ehekutibo ang pag-iingay ng Kongreso dahil sila ang ginagawang sangkalan para sa exposure ng ilang senador sa darating na eleksyon.


Tahimik aniyang nagtatrabaho ang mga nasa Ehekutibo pero hindi ibig sabihin ay hindi na sila kikibo lalo na kung maaapektuhan ang kanilang pamilya at mga anak.

Facebook Comments