‘Talk to the People’ ni Pangulong Duterte, muling ipinagpaliban

Hindi ulit matutuloy ang nakatakda sanang ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ito ay dahil sa dinaluhang aktibidad ng Pangulo kahapon sa Negros Oriental.

Sinabi ng kalihim, late na kasi natapos ang nasabing event dahilan para mapuyat ang Pangulo maging ang mga kawani ng Office of the President.


Ani ni Roque, bukas ng gabi na matutuloy ang regular “Talk to the Nation” ng Pangulo.

Una nang sinabi ng kalihim na hindi pa iaanunsyo ni Pang. Duterte ang bagong quarantine classification para sa buwan ng Hunyo dahil magpupulong muna ang Inter-Agency Task Force (IATF) bago maglatag ng rekomendasyon sa Pangulo.

Facebook Comments