‘Talk to the People’ ni PRRD, bukas ng gabi gagawin

51

Walang aasahang ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.

Bagkus, bukas gaganapin ang kaniyang ulat sa bayan.


Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mayroon kasing aktibidad na nakalatag mamayang hapon ang Pangulo sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ito ay ang Regional Peace Council sa Region 7 na dadaluhan ng public officials hindi lamang ng Negros Oriental kung hindi ng buong rehiyon kung saan inaasahan ang talumpati ng Pangulo.

Sinabi ni Roque na hindi pa iaanunsyo ni Pang. Duterte ang bagong quarantine classification para sa buwan ng Hunyo bukas, dahil magpupulong muna ang Inter-Agency Task Force (IATF) bago maglatag ng rekomendasyon sa Pangulo.

Facebook Comments