TALO | Pinoy boxer na si Froilan Saludar, bigo sa pagsungkit ng WBO Flyweight laban kay Sho Kimura

China – Nabigo ang Pinoy boxer na si Froiland Saludar kay Sho Kimura ng Japan sa kanilang WBO Flyweight sa laban na ginanap sa Qingdao, China.

Lamang si Saludar sa unang round matapos na ipamalas nito ang hard jabs at magandang movement na ikinahirap ni Kimura.

Pagpasok ng ikatlong round ay inulan na ni Kimora ng malalakas na suntok ang Filipino fighter.


Humina si Saludar sa headshots at bodyshots mula kay Kimura.

Isang beses na natumba sa round 5 si Saludar at pagdating ang ikaanim na round ay natumba na ito ng dalawang beses.

Dito ay pinatigil na ni referee Chris Flores ang laban sa may natitirang 0:54 sa ikaanim na round.

Facebook Comments