Ipinagdiriwang ngayong araw ng Biyernes, ika-20 ng Enero taong kasalukuyan ang taunang selebrasyon ng Talong Festival sa bayan ng Villasis.
Ito ang ika-18 taong anibersaryo ng Talong Festival na isineselebra tuwing buwan ng Enero kung saan isa ang talong sa kanilang one-town one product at kilala rin ang bayan bilang isang agricultural town, isa sa Vegetable Basket of the North at Vegetable home of Pangasinan.
Idineklara ang araw na ito bilang walang pasok sa mga opisina at sa mga paaralan sa pakikiisa sa naturang selebrasyon sa ilalim ng Memorandum no. 001-01-10-2023.
Ang kapistahang ito ay mayroong anim na araw na selebrasyon na nagsimula nito lamang Lunes, ika-16 ng Enero at magtatapos bukas, January 21.
Isinagawa ang ilang tampok na gawain gaya na lamang ng Mosaic-making contest, photography contest, cultural dance revival, talong cookfest, at pinakamalaking patimpalak na street dancing at mamayang gabi naman ay isang concert at grand fireworks display.
Samantala, sa muling pagbabalik ng dating mga nakagiwan bunsod ng pandemya na nagpatigil sa mga pagtitipon, daan-daang turista at mga taga-Villasis ngayon ang dumagsa sa bayan ng Villasis, para saksihan ang taunang “Talong” Festival ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments