Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na wala pang final draft ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA na gagawin sa 24 ng Hulyo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hanggang sa ngayon ay pinaguusapan pa kung ano ang mga isasama sa talumpati ng Pangulo.
Paliwanag ng Kalihim, normal na umaabot sa hanggang humigit kumulang 10 revisions o pagbabago bago maisapinal ang talumpati ng Pangulo.
Sinabi ni Andanar, talagang partikular si Pangulong Duterte sa kanyang talumpati at talagang inilalagay ang mga salita na naayon sa kanyang saloobin.
Hindi naman masabi ni Andanar kung gaanong katagal ang magiging talumpati ng Pangulo pero normal aniya na posibleng umabot ng 45 minuto hanggang isang oras ang SONa ng isang Presidente.
Talumpati ng pangulo sa SONA, hindi pa naisasapinal ayon sa palasyo
Facebook Comments