Talumpati ni PBBM para sa SONA sa Lunes, tapos na!

Natapos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kabuuan ng kaniyang talumpati para sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.

Sa ambush interview sa Apayao, sinabi ng pangulo na isinasagawa na lamang ang fine-tuning o mga maliliit at pinal na pagbabago sa kaniyang talumpati.

Gagawin aniya nila ito ngayong weekend para maihanda sa Lunes, July 22.


Aminado naman ang pangulo na posibleng humaba ang SONA dahil marami siyang nais sabihin kung kaya’t ipinatutukoy niya sa mga miyembro ng gabinete ang mga dapat gawing priority.

Magkakaroon din ng post SONA discussions ang mga gabinete sa Martes at Miyerkules para ilatag ang buong detalye ng SONA ng pangulo.

Facebook Comments