Talumpati ni PBBM, tatagal ng lagpas isang oras ayon sa Palasyo; Rehearsal ng Pangulo, tapos na

Tapos na ang rehearsal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) mamayang hapon.

Ito ang matipid na tugon ng Malacañang hinggil sa detalye ng SONA ng Pangulo.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), lagpas isang oras ang itatagal ng SONA speech ni Pangulong Marcos.

Matatandaang noong SONA 2024 ay nasa isang oras at bente dos minutos ang itinagal ng talumpati ng Pangulo, kung saan nakakuha ng standing ovation ang total ban ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ang paninindigan ng Pangulo sa West Philippine Sea (WPS).

Samantala, hindi pa tiyak ng Palasyo kung by air o by land ba ang magiging travel ng Pangulo patungo sa Batasan Complex dahil dedepende anila ito sa piloto batay sa lagay ng panahon mamayang hapon.

Hindi rin nagbigay ng detalye ang Palasyo patungkol sa magiging kasuotan ni Pangulong Marcos at ng First Family.

Facebook Comments