Talumpati ni Trump sa 4th of July Independence Day Celebration, tinawag na pambihira

“Rare unifying speech”

Ito ang naging reaksyon ngayon ng mga political analysts sa naging talumpati ni US President Donald Trump sa katatapos lamang na “4th of July Independence Day Celebration.”

Taliwas ito sa kanilang inaasahan na sasamantalahin lamang umano ng US President ang pamumulitika lalo na at hangad ni Trump ang re-election bid sa 2020 presidential elections.


Sa talumpati kasi ni Trump na tumagal ng 20 minuto sa national mall sa harap ni Abraham Lincoln 19-foot marble, nagbigay pugay si Trump sa kasaysayan ng kanilang bansa at pagmamalaki sa military na pinakamalakas na puwersa sa buong mundo.

Tinukoy din nito ang ilang mga accomplishments ng Estados Unidos.

Facebook Comments