Tama, balanse at napapanahong balita, tinalakay sa nagpapatuloy na workshop ng PCO hinggil sa National Security Cluster

Binigyang halaga ng Presidential Communications Office (PCO) ang role ng media sa pagbibigay ng tama, balanse at napapanahong balita.

Sa nagpapatuloy na National Security Cluster workshop dito sa Philippine Merchant Maritime Academy sa San Narciso Zambales sinabi ni PCO Assistant Sec. Michel André Del Rosario na mahalaga ang tama, balanse at napapanahong balita upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.

Aniya kinakailangan ang accuracy sa pagrereport ng balita lalo na kung nakasalalay dito ang National Security.


Ani Del Rosario, iwasan ang single source reporting at huwag gagamiting source sa balita ang mga taong walang credentials upang hindi mauwi sa misinformation.

Payo pa nito sa mga media practitioner na ugaliing mag interview ng mga government officials na eksperto sa isang subject matter at maging sensitibo din sa paglalabas ng impormasyon sa publiko.

Huwag ding ibalita ang mga sensitibong impormasyon na may kinalaman sa military operations at national security.

Sa panig naman ng PCO kanilang tinitiyak na patuloy ang pagsasagawa nila media orientations & seminars upang mas mapalaganap ang mga tamang impormasyon hinggil sa ginagawang hakbang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad at soberenya ng bansa.

Facebook Comments