TAMA LANG DAW | Secretary Roque, nanindigang may dahilan ang pagbabawal sa Rappler na makapasok sa palasyo

Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacanang na tama ang pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagcover ang Rappler sa mga Presidential coverage sa loob at labas Malacanang.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hanggang hindi kumokontra o naglalabas ng Temporary Restraining Order ang Court of Appeals sa desisyon ng Securities and Exchange Commission o SEC ay nananatili na final and executory ang desisyon nito na bumabawi sa lisensiya ng Rappler kaya hindi maaaring makapag-cover ang Rappler sa Presidential Events.

Sinabi ni Roque na noon pa mang naglabas ng desisyon ang SEC ay pwede na aniya nilang ipagbawal ang Rappler sa Malacanang pero hindi nila ito ginawa dahil wala siyang intension na apakan ang press freedom.


Binigyang diin din ni Roque na binigyan ng gobyerno ng sapat na panahon ang Rappler para gawin ang tama at gamitin ang lahat ng legal remedies para sa kanilang kaso pero base sa nangyari kahapon ay mas interesado pa ang Rappler na palakihin ang issue kaysa sumunod sa mga panuntunan.

Samatala inihayag naman ni Reymund Tinaza ng Bombo Radyo, ang Presidente ng Malacanang Press Corps, na miyembro pa rin ng MPC ang Rappler hanggang hindi naglalabas ng desisyon ang korte.

Facebook Comments