TAMA LANG | Kaso laban kay PISTON President San Mateo, naayon sa batas

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na mahigpit nang ipatutupad ng administrasyon ang batas na nagbabawal sa mga public transport franchise holders na magsagawa ng transport strike.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng warrant-of-arrest na inilabas ng QCMTC branch 43 para kay PISTON President George San Mateo.

Ang kasong isinampa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban kay San Mateo ay ang paglabag sa Commonwealth Act para sa isang franchise holder.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi harassment ang nangyayari kay San Mateo dahil mayroon itong franchise at certificate of public convenience kaya iligal at isang criminal act ang pangunguna o maglahok sa isang tigil-pasada.

Paliwanag ni Roque, ang tigil-pasada ay nakaaabala sa publiko na isang bagay na hindi dapat ginagawa ng mga franchise holders.

Pinayuhan naman ni Roque ang mga transport groups na kung mayroong hinaing ay hindi dapat idaan sa transport strike bagkus ay dapat makipag-dayalogo nalang sa mga kinauukulan.

Facebook Comments