TAMA LANG | Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nanindigang tama ang desisyong sibakin sa pwesto si dating Makati Mayor Junjun Binay

Manila, Philippines – Nanindigan si Ombudsman Conchita Carpio Morales na tama ang kanilang naging desisyon na sibakin sa pwesto si dating Makati Mayor Junjun Binay dahil sa maanomalyang pagpapatayo ng Makati parking building two.

Ayon kay Morales, nakatakda silang maghain ng motion for reconsideration sa Court of Appeals matapos baligtarin ng CA sa nauna nilang desisyon.

Batay sa desisyon ng CA, applicable sa kaso ni Binay ang condonation doctrine na maituturing pinatawad na ang isang opisyal para sa kasalanang kaniyang nagawa sa kaniyang nagdaang termino kung nare-elect siya sa pwesto.


Giit ni Morales, ang mga kasalanan ni Binay ay ginawa niya bago at pagkatapos niya mare-elect.

Facebook Comments