“TAMA LANG” | Suspensyon sa HOV scheme, pinuri ng mga senador

Manila, Philippines – Ayon kay Senate President Tito Sotto III, mabuti naman na sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang implementasyon ng High Occupancy Vehicle o HOV traffic scheme sa EDSA.

Diin naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, tama ang naging pasya ng MMDA dahil milyon ang mga solong motorista na dumadaan sa EDSA na apektado ng bagong polisiya.

Naniwala naman si Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na sa halip ipagbawal ang mga behikulo sa EDSA na driver lang ang sakay ay makabubuting higpitan ang implementasyon ng mga umiiral na patakaran at batas na makakatulong sa pagpapaluwag ng trapiko.


Giit naman ni Senator Sonny Angara, hangga’t walang magandang sistema ng mass transportation ay patuloy na dadami ang mga sasakyan na makakadagdag sa masikip na trapiko.

Una rito ay ipinasa ng Senado ang Senate Resolution No. 845 kontra sa HOV traffic scheme dahil hindi ito dumaan sa konsultasyon at hindi rin inihanda ang altenatibong ruta para sa mga ‘driver-only’ vehicles.

Facebook Comments