TAMA NA | Pagsibak kay PCOO Asec. Mocha Uson, ipinanawagan ng ilang mambabatas

Manila, Philippines — Iginiit pa rin nila ACT Teachers Representatives Antonio Tinio at France Castro ang pagtanggal sa pwesto ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Asst. Sec. Mocha Uson.

Ito ay kasunod nang nag-viral na video nila Uson at Drew Olivar na nangungutya sa mga pipi at bingi.

Sinabi nila Tinio at Castro na dapat pa ring masibak si Uson kahit pa nag-sorry na siya sa publiko.


Malinaw anila na nilabag ni Uson at Olivar ang Section 40 at 42 ng Magna Carta for Disabled Persons na nagbabawal sa pang-iinsulto sa mga may kapansanan.

Hiniling pa ng mga mambabatas na maparusahan sina Uson sa ginawang paglabag.

Wala na anilang ginawang mabuti si Uson kundi ang bastusin at kutyain ang publiko.

Ayaw tanggapin ng mga kongresista ang paghingi ng paumanhin ni Uson dahil malinaw na ang ginawa lamang ni Olivar ang inihingi nito ng sorry pero hindi naman inako ang ginawang pagkakamali.

Facebook Comments