Tamang benepisyo, dapat pa ring ibigay sas mga healthcare workers na sumailalim sa mandatory quarantine – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na dapat na makakuha pa rin ng benepisyo ang health workers na kailangan sumailalim sa mandatory quarantine matapos ma-expose sa COVID-19.

Kasunod ito ng mga ulat na tinanggal ang hazard pay ng ilang health workers dahil sa mandatory quarantine period.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan mapaalalahanan ang mga ospital o ibang mga ahensya na dapat ay binibigyan pa rin ng benepisyo ang kanilang mga health worker kahit naka-quarantine ang mga ito.


Aniya, ikinokonsidera pa ring kabilang sa binabayarang oras ng trabaho ang kanilang quarantine.

Giit pa ni Vergeire, ang pagbibigay ng benepisyo sa health workers na naka-quarantine ay nakapaloob sa joint circular ng DOH at ng Department of Budget and Management (DBM).

Facebook Comments