Tamang Bihis mariing ipinapatupad sa mga Pulis sa ARMM

Hinigpitan ng PRO ARMM ang pagpapatupad ng LOI o Letter of Insruction para sa Tamang Bihis, ito ay upang maiwasan ang mga masasamang loob na nagpapanggap na pulis. Ayon kay PSI JEMAR DELOS SANTOS tagapagsalita ng PRO ARMM, nagkakaroon ng madalas na inspection at physical accounting upang matiyak na sinusunod ng ating kapulisan ang LOI Tamang Bihis.
Pati mga naitalagang checkpoints areas ay tiniyak na sumusunod sa direktibang ito upang malaman ng taong bayan ang lihitimong checkpoint operation ng kapulisan.
Ayon naman kay PCSUPT GRACIANO J MIJARES Regional Director PRO ARMM sa pamamagitan nito ay mapapanatili ng buong kapulisan ang magandang imahe sa komunidad at magsisilbi itong ihemplo para lalong maging respetado at disiplinado ang buong kapulisan ng PRO ARMM.(PSI Jemar Delos Santos)

Facebook Comments