TAMANG BUWIS | Mag-amang public official ng Sulu, kinasuhan sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Sinampahan na ng kaso sa Sandiganbayan ang isang dating gobernador ng Sulu at anak nito dahil sa hindi paghahain ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Kinasuhan sa Sandiganbayan ng paglabag sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sina dating Sulu Gov. Abdusakur Tan at anak nito na si Maimbung Mayor Samier Tan.

Batay sa charge sheet na nilagdaan ni Assistant Special Prosecutor III Jorge Espinal, bigo ang matandang Tan na makapag-file ng SALN mula 2007 hanggang 2011 para sa matandang Tan habang ang nakababatang Tan na ay bigong makapaghain ng SALN mula 2010 at 2011.


Nagrekomenda naman ng piyansang P50,000 para sa matandang Tan na may limang counts ng asunto at P20,000 naman para sa anak nito na may 2 asunto.

Ang kaso ng nakatatandang Tan ay napunta sa Sandiganbayan Sixth Division samantalang sa Sandiganbayan Third Division naman ang sa kaso ng anak nito.

Facebook Comments