TAMANG DISPOSAL NG PAPUTOK, IPINAALALA

Paalalang pangkaligtasan ng Department of Health ang angkop na paglilinis at wastong disposal ng mga paputok matapos ang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa tanggapan, huwag agad hawakan ang mga paputok na may sindi pa kapag naglilinis.

Iwasan din umano ang muling pagsisindi sa paputok dahil posible pa rin itong sumabog at makapaminsala.

Para sa kaligtasan ng lahat, maiging basain ng tubig ang paputok bago itapon.

Kaakibat ng paalala sa paputok ang iba pang abiso para sa kalusugan ngayong kabilaan ang mga pagtitipon at handaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments