Tanauan City – May hinala ang pamilya ni Tanauan Mayor Antonio Halili na may kinalaman ang gobyerno sa pagpatay dito.
Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, sinabi ito sa kanya ng pamilya ni Halili nang dumalaw siya sa lamay nito.
Aniya, pinayuhan niya ang pamilya ni Halili na hintayin na muna ang resulta ng imbestigasyong isinasagawa ng mga otoridad.
Itinanggi naman ni Malacañang Spokesperson Harry Roque ang pahayag ni Lacson.
Sabi pa ni Lacson, may nabanggit rin ang pamilya ni Halili na ilang linggo bago mamatay ang alkalde ay mayroon dalawang saskyan na nag su-surveillance sa kanila.
Pero natuklasan nilang peke ang mga plate numbers nito ng kanilang ipaberika.
Dahil dito, tiniyak ni Lacson na magsasagawa siya ng sariling imbestigasyon para makatulong sa mga otoridad at sa pamilya ni Halili.