Tamang “holiday pay” ngayong Disyembre, ipinaalala ng DOLE

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer tungkol sa sweldo ng kanilang mga empleyado ngayong holiday season.

Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 1107 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan idineklarang special working days ang December 24 at December 31 habang regular holidays naman ang araw ng Pasko, December 25 at December 30 o Rizal Day.

Nakasaad din sa proklamasyon na sakaling pumasok ang empleyado sa December 24 at 31 ay may tatanggap ito ng arawang sahod ngunit walang premium na babayaran dahil ito ay ordinaryong araw ng trabaho.


Samantala, dapat makatanggap ng doble o 200% ng arawang sahod ang papasok na empleyado sa regular holiday [(basic wage + COLA) x 200%]; at karagdagang 30% naman ng 200% ng arawang sahod para sa magtatrabaho ng regular holiday na nataon sa rest day [(basic wage + COLA) x 200%] + [30% (basic wage x 200%)].

Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin ito ng 100% ng sahod para sa nasabing araw [(Basic wage + COLA) x 100%].

Para naman sa overtime work sa regular holiday na nataon din sa rest day, ang manggagawa ay bayaran din ng karagdagang 30% ng hourly rate sa nasabing araw [hourly rate of the basic wage x 200% x 130% x 130% x number of hours worked].

Facebook Comments