Tamang implementasyon ng economic complexity framework, makakatugon sa mga suliranin sa paggawa

Nanatili pa rin ang mababang pasahod sa mga manggagawa, mataas na bilang ng unemployment, at ang hindi patas na distribusyon ng pag-unlad sa mga kanayuhan at sa mga karatig lalawigan ng Kalakhang Maynila.

Ito ang paniwala ni Senator Sonny Angara, na sa pamamagitan ng tamang implementasyon ng economic complexity framework ay masasagot ang matagal ng problema ng bansa sa sektor ng paggawa.

Pangunahing binanggit ni Angara ay ang mababang pasahod, kawalan ng trabaho, outward migration ng mga propesyonal na Pilipino, at ang kahirapan sa mga kanayunan dahil sa centralized economic structure.


Tinukoy rin ni Angara, na nang maisabatas ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o ang TRAIN Law noong 2017 ay nabigyang diin din ang kahalagahan ng economic complexity ng isang bansa, na palatandaan kung ito ay may kakayahang umunlad.

Sinabi rin ni Angara na isa ang inisyatibo nyang Tatak Pinoy upang mabigyang pagkakataon ang mga lalawigan sa bansa at ang maliliit na negosyante na maging aktibo sa kalakalan, na magiging daan din sa paglikha ng mga trabaho.

Mariin ding sinabi ni Angara na ang paglusog ng ekonomiya at pag-unlad ng isang bansa ay hindi lamang dapat ekslusibong kredito ng isang sektor kundi ng kabuuan nito.

Facebook Comments