Monday, March 2, 2026

TAMANG KALIBRASYON NG MGA TIMBANGAN, TINUTUKAN SA BIGLAANG INSPEKSYON SA URDANETA CITY PUBLIC MARKET

Isyu ng posibleng maling pagtitimbang ang tinutukan sa isinagawang random checking ng mga market guard sa Urdaneta City Public Market.

Ayon sa awtoridad, sinuri kung tama at naka-calibrate ang mga timbangan na ginagamit ng mga manlalako, kasunod ng pangamba na may ilang hindi umano sumusunod sa tamang pamantayan.

Nagpaalala ang pamunuan ng palengke na obligasyon ng bawat tindero at tindera ang regular na pagpapakalibrate ng kanilang timbangan upang matiyak ang patas na bentahan at maiwasan ang reklamo mula sa mga mamimili.

Binigyang-diin din na maaaring patawan ng kaukulang aksyon ang sinumang mapapatunayang lalabag sa itinakdang regulasyon.

Facebook Comments