Tamang pag-culling sa mga baboy, hiniling ng World Animal Protection sa Department of Agriculture

Umapela ang World Animal Protection sa Department of Agriculture na matiyak na tama ang proseso sa isinasagawang culling o pagpatay sa mga baboy na apektado ng African Swine Flu.

Ginawa ang pahayag kasabay ng nagpapatuloy na usapin ng ASF na tumanana sa Pilipinas.

Ayon kay Kate Blaszak ng World Animal Protection, may mga tamang pamamaraan sa pagpatay ng hayop sa ilalim ng Animal Welfare Act.


Kabilang na rito ang lethal injection, pagkuryente at paggamit ng CO2 gas stunning.

Sa ngayon, sa South Korea at Belgium aniya ang may maayos na proseso sa pagcuculling

Base sa datos ng World Animal Protection nasa 100 milyong baboy ang dumanas ng di makatarungang pagkamatay sa pamamagitan ng pagsunog, paglunod at paglilibing ng buhay.

Nakarating din sa World Animal Protection ang viral video sa Antipolo City kung saan makikita na inilibing ng buhay ang mga baboy.

Dahil dito ayon sa grupo, panahon na para pagusapan ng DA at ng LGUs ang tamang pamantayan at malinaw na proseso sa  pagcuculling.

Facebook Comments