Tamang pag-iingat sa COVID-19 vaccines, dapat siguraduhin

33

Pinapatiyak ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa mga cold storage facilities at evaluators ang tamang pag-ingat sa mga parating na COVID-19 vaccine.

Diin ni Go, mahalagang masiguro na 100% protektado ang mga bakuna na pinaghirapan nating makuha habang nagkakaubusan na ang suplay nito sa buong mundo.


Paliwanag ni Go, iba’t iba ang temperatura na kailangan para sa bawat brand ng COVID 19 vaccine.

Giit ni Go, siguraduhin na walang masayang o walang masira o walang mapanis na vaccine upang hindi maging kawawa ang mga Pilipino.

Nagpahayag din ng kahandaan si Go na maunang magpabakuna upang mapawi ang pangamba ng publiko at maipakita sa kanila na epektibo at ligtas ang bakuna na binili ng gobyerno para tayo ay maproteksyunan laban sa COVID 19.

Facebook Comments