Bago magtapos ang taong 2017, matagumpay na naisakatuparan ng Department of Agriculture-Maguindanao ang “Refresher Course on Livestock and Poultry Production and Training on Animal Health Care and Management” na nagpaunlad sa kaalaman at kakayahan ng mga agricultural technologists (ATs) na naitalaga sa iba’t-ibang bayan sa Maguindanao.
Layunin ng nasabing training na mapukaw, madagdagan, at mapaigting ang kaalaman at kakayahan ng mga agricultural extension workers ukol sa produktibong paghahayupan kabilang na ang tamang pag-aalaga, pagkilala at paggamot ng iba’t-ibang sakit ng manok, kambing, at iba pang hayop.
Tampok sa naturang aktibidad ang pagtalakay sa “Livestock and Poultry Common Diseases”, ‘Administering Veterinary Drugs” o tamang pag-aalaga at pagbibigay ng gamot sa mga alagang hayop na maysakit, at Updates hinggil sa Avian Influenza, sakit na umatake sa mga alagang manok noong 2017; paano ito nagsimula at nasolusyunan.
Ang mga paksang nabanggit ay ibinahagi ni Dr. Raheima Amba-Manguindra, Regional Animal Health Care Coordinator at Regional Animal Welfare Act (AWA)-Focal Person ng DAF-ARMM na nagsilbing resource speaker.
Tamang paghahayupan, akmang pangangalaga sa kalusugan ng mga alagang hayop, itinuro sa ATs ng DA-Maguindanao!!
Facebook Comments