Sa tulong ng Department of Science and Technology-Region 1 (DOST 1) matagumpay na napag-alaman ng mga asin manufacturers sa bayan ng Mangaldan kaugnay sa tamang paghawak at paghahanda ng pagkain at wastong manufacturing o paggawa ng asin.
Sa programang Salt awareness seminar na isinagawa ng DOST sa tulong ng Provincial Science and Technology Office (PSTO) – Pangasinan Field Office ay naibahagi sa dalawang asin manufacturers ang mga nabanggit na kaalaman ukol sa asin.
Sa naturang pagsasanay ay ibinahagi ni Hero Galamgam, ang project technical specialist ng DOST Regional Standards and Testing Laboratory (RSTL) ang ukol sa kahalagahan ng kaligtasan ng pagkain o Food Safety at ang Good Manufacturing Practices.
Ayon sa kanya, dapat sumailalim o magkaroon ng wastong pagsasanay ang mga food handlers sa paghawak at paggawa ng mga ligtas at masustansyang pagkain para sa mga konsyumer.
Ayon naman kay PSTO-Pangasinan Provincial Director Arnold Santos ang pagsasanay na ito ay may layuning makapagbigay ng kamalayan sa mga nasa likod ng paggawa ng kalinisan ng pagkain at upang matukoy ang iba’t ibang mga panganib sa pagkain at mga sanhi ng kontaminasyon sa pagkain at upang masuri ang kondisyon at mga gawi ng bawat kumpanya na naaayon sa GMP, pangunahing kalinisan ng pagkain at food safety requirements.
Samantala, patuloy namang makikipagtulungan ang DOST sa mga micro, small at medium enterprises at mga mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lectures at assessment sa mga negosyo bilang bahagi ng kanilang aplikasyon sa pagkuha ng kinakailangang lisensya sa pagpapatakbo ng negosyo at upang itaas ang kamalayan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. |ifmnews
Facebook Comments