Isinagawa ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) ang isang inspeksyon sa mga pulis sa Pangasinan upang matiyak ang tamang pagpapatupad ng mga checkpoint operation at mapanatili ang kaayusan at seguridad, lalo na ngayong holiday season.
Bilang bahagi ng inspeksyon sa Station 1 ng Dagupan City Police Office, pinaalalahanan ang mga pulis na panatilihin ang disiplina sa lahat ng oras at mahigpit na ipatupad ang zero tolerance laban sa ilegal na pagpapaputok ng baril.
Binigyang-diin din ang wastong pagsasagawa ng Honest-to-Goodness Checkpoint Operations at Oplan Sita, na may partikular na pagtutok sa Motorcycle Riding Individuals, bilang hakbang upang maiwasan ang shooting incidents at iba pang kaugnay na krimen.
Kasabay nito, inatasan ang mga yunit na magpatupad ng maximum police presence sa mga national highway at mga lugar na tinukoy na convergence areas upang mas mapalakas ang pagbabantay at seguridad sa komunidad.






