Tamang paraan sa pagsusumbong sa mga abusadong pulis, inihayag ng pamunuan ng PNP

Matapos ang kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan na paigtingin ang internal cleansing campaign sa kanilang hanay, naglunsad ang Integrity Monitoring and Enforcement Group o PNP-IMEG ng kampanya na humihikayat sa publiko na isumbong ang mga abusadong pulis.

Sa video na naka-post sa kanilang Facebook page, nakalagay ang mga bagay na dapat tandaan kapag may nakaharap na abusadong pulis.

Ang mga dapat gawin ay:
-Manatiling kalmado at mahinahon
-Huwag makipagsagutan
-Kumuha ng ebidensya sa pamamagitan ng paglitrato o video
-Tandaan ang pangalan, rango, posisyon at katungkulan
-Huwag hamunin para ikaw ay hindi saktan
-Humikayat ng saksi sa pangyayari at
-Ipagbigay alam agad sa PNP-IMEG ang insidente


Ayon kay Police Captain Mae Cunanan, Spokesperson ng IMEG, laging bukas ang kanilang hotline para sa mga nais magsumbong.

Sa IMEG national headquarters sa Camp Crame maaaring tawagan ang mga numerong:
0998-970-2286
0995-795-2569

Mayroon ding hiwalay na hotline para sa mga gustong magsumbong sa National Capital Region (NCR), Luzon, Visayas at Mindanao na makikita sa kanilang Facebook page.

Facebook Comments