TAMANG PASAHOD | LGUs, pinakikilos para sa implementasyon ng minimum wage sa mga kasambahay

Manila, Philippines – Pinakikilos ni House Committee on Women and Gender Equality Chairman Bernadette Herrera-Dy ang Local Government Units o LGUs para sa pagpapatupad ng minimum wage sa mga kasambahay.

Ayon kay Herrera-Dy, walang malinaw na mekanismo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na titiyak na talagang nasusunod ang minimum wage na pagpapasweldo sa mga kasambahay.

Sa ilalim ng Kasambahay Law na inaprubahan noong 2013, P2,500 pa ang itinakdang sahod para sa mga kasambahay sa NCR pero sa ilalim ng NCR wage board ay tumaas na ito sa P3,500 kada buwan.


Dahil dito, pinakikilos ni Herrera-Dy ang mga LGUs na kinabibilagan ng mga mayors at barangays na tiyaking nasusunod ang tamang pagpapasahod sa mga kasambahay.

Binibigyang kapangyarihan at inoobliga ang LGUs na magsagawa ng survey at inspeksyon sa mga kabahayan para alamin kung napapasweldo ng tama ang mga kasambahay.

Maaari namang resolbahin ng amo at kasambahay ang tamang pagpapasweldo sa mismong barangay na nakakasakop.

Facebook Comments