
Cauayan City – Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong kumpanya na sundin ang tamang pasahod para sa kanilang mga empleyado sa mga regular at special non-working holidays ngayong Abril.
Ayon sa DOLE, dapat tiyakin ng mga employer na tama ang sahod ng mga manggagawa upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan.
Sa regular holidays, ang mga hindi papasok ay makakatanggap pa rin ng kanilang buong sahod, habang ang mga magtatrabaho ay makakakuha ng Double Pay.
Kung mag-o-overtime, may karagdagang 30% sa hourly rate, at kung tumapat sa kanilang rest day, may dagdag pang 30% sa kanilang double pay.
Sa special non-working holidays naman, ipatutupad ang “no work, no pay” policy, maliban kung may kasunduan sa kumpanya na nagbibigay ng bayad kahit hindi pumasok.
Kabilang sa regular holidays ngayong Abril ay ang Eid’l Fitr, Araw ng Kagitingan, Maundy Thursday, at Good Friday, habang Ang black Saturday naman ay isang special non-working holiday.