Saklaw ng regulasyon ang mga regular holiday na Maundy Thursday (Abril 2), Good Friday (Abril 3), at Araw ng Kagitingan (Abril 9), gayundin ang special non-working day na Black Saturday (Abril 4).
Ayon sa panuntunan, ang mga empleyadong hindi papasok sa regular holiday ay may karapatang tumanggap ng 100% ng kanilang sahod kung sila ay pumasok o naka-leave na may bayad sa araw bago ang holiday.
Samantala, ang mga papasok sa nasabing araw ay dapat bayaran ng hindi bababa sa 200% ng kanilang regular na sahod.
Para naman sa special non-working day, ipatutupad ang “no work, no pay” maliban kung may paborableng patakaran ang kumpanya. Kung papasok, dapat makatanggap ang empleyado ng karagdagang 30% ng kanilang daily rate.
Hinimok naman ang mga employer na sumunod sa itinakdang patakaran upang matiyak ang tamang kompensasyon sa mga manggagawa sa panahon ng mga holiday. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








